Halos 30 magkapareha sa bayan ng Mercedes nagpalitan ng ‘I dos’ sa ginanap na Kasalang Bayan

CAMARINES NORTE – Aabot sa  28 magkapareha sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang nagpalitan ng ‘I dos’ sa isinagawang Kasalang Bayan sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte noong nakaraang linggo.

Ayon sa Municipal Information Office ang mga magkakaparehang ito ay ilang taon nang nagsasama na sabay- sabay na ikinasal ni Mayor Alex Pajarillo sa Jimmy Lo Sports Complex.

Ang mga ikinasal ay limang taon higit pa na nagsasama at mga may anak na rin.

Sa katunayan ay mayroon ding higit sa 13 taon nang nagsasama na nagpasalamat sa LGU dahil nakasal na rin sila.

Bawat mag asawa ay tumanggap ng Food Packs, bigas, cash , appliances at iba pang token bilang regalo sa kanila mula sa mga tumayong ninong at ninang na mga halal na opisyal din ng bayan.

Nangyari ang matagumpay na kasalang bayan sa pagtutulungan ng iba’t- ibang tanggapan ng LGU sa pangunguna ng Local Civil Registrar Office. Ang libreng kasal ay bahagi ng pagdiriwang ng ika- 75th foundation anniversary at ika- 26th Kadagatan Festival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *