Halos 50 magsasaka sa Capalonga na apektado ng mga mapaminsalang peste at sakuna nakatanggap ng ‘Indemnity’ checks

CAMARINES NORTE- Aabot sa 49 na magsasaka mula sa iba’t- ibang barangay  ng Capalonga, Camarines Norte  ang nakatanggap ng ‘Indemnity’ o “Bayad Pinsala”

Ayon sa Lokal na Pamahalaan ang natanggap ng mga magsasaka ay para sa lupang kanilang sinasaka na naapektuhan ng mga mapaminsalang peste, mga sakit ng pananim at mga nagdaang kalamidad.

Ayon kay Mayor Luz Ricasio malaki ang papel na ginagampanan ng mga magsasaka kaya  nararapat silang pagtuunan ng pansin at ipaabot ang mga benipisyong malaki ang pakainabang sa kanilang paghahanap-buhay.

Layunin naman umano ng Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Agriculturist – Dr. Hulsey V. Orit katuwang ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na alalayan ang  mga magsasaka sa muli nilang pagbangon at pagsisimula sa sektor ng agrikultura.

Nangako rin ang LGU na makakaasa ang mga tao na tuloy- tuloy lang ang serbisyong publiko.

Ginawa ang pamamahagi ng Indemnity checks kamakalawa sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.