Health experts ikinabahala ang pagdami ng mga namatay dahil sa dengue sa India

Ikinabahala ng ilang mga health experts sa India ang pagdami ng namamatay dahil sa dengue sa Uttar Pradesh State sa India.

Ayon sa report, karamihan sa naitalang 58 fatalities ay mga bata sa unang linggo pa lamang ng Setyembre.

Nakasaad sa report na imbes na sa ospital ay sa albularyo umano dinala ang mga may sakit na itinuturong dahilan kaya lumala ang kondisyon ng mga ito.

Nagpadala na ng mga healthcare workers sa Uttar Pradesh state habang nagsagawa ng pagpuksa sa mga pugad ng lamok upang maiwasan na ang pagkalat pa nito.

Itinuturing itong pinakamalalang outbreak ng dengue sa nasabing Indian State.

Matatandaan na maliban sa dengue, mataas pa rin ang kaso ng COVID-19 infections sa maraming lugar sa India.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *