Higit ₱500K halaga ng droga, nasabat sa Batangas City

Mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa tatlong suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Libjo, Batangas City, bandang 12:30 kaninang madaling araw, July 14, 2023.

Kinilala ng Batangas Police Provincial Office ang mga suspek na sina John Paulo Reyes at Eligio Mauhay, kapwa mga High Valued Individual (HVI); at Royland Manalo, na parehong tubong San Pascual, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, nasabat sa mga suspek ang tinatayang nasa 75 gramo ng Shabu na nagkakahalaga ng ₱510,000.00.

Aktong nahuli ng mga operatiba ng Office of the Provincial Director – Drug Enforcement Unit kasama ang Batangas City Police Station ang tatlong suspek na nagbebenta ng isang malaking pakete ng hinihinalang Shabu sa isang pulis na nagkunwaring buyer.

Narekober din mula sa mga suspek ang tatlong cellphone, 300 pesos na pera, at isang puting Honda Civic.

Nakadetina na ang mga naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *