Higit 3.7-million halaga ng kush nasabat sa SBFZ

Ito ay matapos ang isinagawang controlled delivery operation kahapon ng PDEA Zambales kasama ang iba pang law enforcement agency sa Sulu Street, Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone.

Ang package ay nagmula umano sa Canada at dumating sa Port of Clark nakalipas na Feb. 19 na ideneklarang window curtain pero napag-alamang naglalaman ng higit 3.7 million halaga ng Kush o high grade marijuana.

Kinilala ang claimant na isang Federico Cesar Flores-Luna alyas Nestor Bustamante, residente rin sa lugar.

Samantala, mahaharap ang claimant sa kasong paglabag sa Section 4 ng Republic Act 9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *