Higit 700 na timbangan, sumailalim sa inspeksyon ng DTI-Isabela at LGU

Sumailalim sa inspeksyon ng DTI Isabela Consumer Protection Division at Local Government Units ang mahigit 700 na timbangan ng mga vendors sa lalawigan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa DTI Isabela, ang naturang mga timbangan ay mula sa 26 na LGUs sa lalawigan ng Isabela.

Ang mga weighing scales na makikitaan ng pandaraya sa timbang ay ipapasakamay sa LGU para sa calibration.

Bahagi ang naturang aktibidad sa province-wide operation Timbangan bilang panimula sa selebrasyon ng 2022 Consumer Welfare Month.

Bukod dito, mayroon ding isinagawang pagkakabit ng mga CWM banners at pagpirma ng MOA.

Ilan pa sa inaasahang aktibidad ng ahensya ngayong buwan ay may kaugnayan sa fair trade laws, consumer and business education campaigns, consumer quiz show, infomercial-making competition at Isabela Consumer Convergence.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *