House bill, na magbibigay ng mental health services sa SUCs, aprubado na sa huling pagbasa

Pasado na sa huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na nagre-require sa mga state universities and colleges (SUCs) na magkaroon ng mental health offices sa kanilang mga campus para sa benepisyo ng kumunidad, lalo na sa mga estudyante.

Ang House Bill 6416 o ang Mental Health Services bill for SUCs ay inaprubahan matapos ang 227 yes votes, zero negative votes at zero abstentions.

Sa ilalim ng House Bill 6416, inaatasan ang mental health offices na mag-set up ang campus hotlines na may dedicated at trained guidance counselors na magbibibigay ng tulong lalo na sa mga mag-aaral na nakakaranas ng mental health problems o ang mga nasa risk na magpatiwakal.

Ang naturang panukala, ay magtitiyak umano na mayroong access sa kaukulang interventions, therapy, at treatment na kinakailangan, at gagawa ng mga programa at serbisyo na tutulong sa mga estudyante sa mga SUCs na maresolba ang emotional, behavioral at psychosocial issues at tugunan ang kanilang pagiging barriers sa learning.

Maliban dito, makakatulong din umano ito na ma-enhance ang kahandaan ng faculty , teaching at non-teaching staff, at iba pang personnel ng SUCs na suportahan ang pagkakaroon ng kapaligiran para sa mga estudyante na makakuha ng kaalaman at madevelop, intellectually.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *