House panel, pinababalik sa mga toll operators ang cashless transactions sa lahat ng expressways

Inaprubahan na ng House Committee on Transportation ang mosyon na humihiling sa Department of Transportation (DOTr) na ipatupad ang cashless transactions sa lahat ng mga expressways para sa convenience ng mga motorista.

Ang mosyon ay ginawa ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma at senegundahan naman ng committee members, at kalauna’y isinama sa House Resolution 159, na naghihimok sa DOTr at mga attached agencies na madaliin ang pagpapatupad sa Phases 2 at 3 ng Toll Interoperability Project.

Matatandaan na noong 2020, naglabas ang DOTr ng Department Order 2020-012, na nagre-require sa mga toll operators na mag-shift sa cashless transactions sa pamamagitan ng pag-gamit ng RFIDs para mabawasan ang banta sa COVID-19, pero nasuspende dahil sa problema naranasan ng mga toll operators at motorista.

Dahil dito, hiniling ni Palma na ibalik ang cashless transactions matapos makaranas ng pagbigat ng trapiko sa expressway dahil sa mahabang pila ng mga drivers na naghihintay na makapagbayad ng cash.

Samantala, binigyang diin naman ni Raoul Romulo, treasurer at chief financial officer ng San Miguel Corporation SLEX Inc., na bagama’t hinahanapan pa nila ng paraan para mapabilis ang cash transactions, sinabi nito na hindi naman nagdudulot ang pagbabayad ng cash sa mas mabagal na daloy ng trapiko sa mga toll booths, kumpara sa pag-gamit ng RFID tags. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *