HRW, pinatitiyak kay Eleazar ang kooperasyon ng PNP sa drug war probe

Hiniling ng Human Rights Watch kay bagong Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar na tiyakin ang kooperasyon ng pulisya sa imbestigasyon kaugnay ng drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sa isang statement, sinabi ng HRW na kung talagang seryoso ang PNP chief sa reporma sa kapulisan, dapat siguruhin nitong gagawa sya ng mga konkretong hakbang para mapanagot ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa gitna ng pagpapatupad ng war on drugs campaign. 

Welcome rin sa HRW ang pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinayagan ng PNP ang DOJ na ma-access ang 61 drug-related cases kung saan napag-alaman ng PNP Internal Affairs Service na mayroong criminal liability sa parte ng mga law enforces. 

Binanggit din ng grupo ang statement ng DOJ noong Pebrero sa harap ng United Nations Human Right Council na iimbestigahan nito ang ilang killings na may kaugnayan sa drug war. 

Bukod sa pahayag ni Guevarra, binigyang diin din ng HRW ang pagdedeklara ni Eleazar bilang “resolved” sa kaso ng karumal-dumal na pagpatay sa transman na si Norriebi Tria pero nilinaw ng PNP chief na di ibig sabihin nitong sarado na ang kaso dahil di pa napapanagot ang mga suspek sa krimen. 

Giit ng HRW, iba ang pahayag na ito sa madalas na tinatawag na ng pulisya ang ilang kaso bilang “closed” o “solved” sa oras na makilala na ang suspek pero di pa naman naaaresto o nakakasuhan.

Kinilala naman ng grupo ang mga developments sa ilalim ng pamumuno ni Eleazar pero nais nilang malaman kung achievable ba at sustainable ang mga repormang ipinangko ng hepe ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *