PNP, nag-isyu na ng subpoena vs. indibidwal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines, vaccine slots

Nag-isyu na ang Philippine National Police (PNP) ng subpoenas laban sa mga taong sangkot sa raket na pagbebenta ng vaccine slots sa halagang P10,000 hanggang P15,000.

Sa isang statement, sinabi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na ito’y para malaman ang katotohanan sa nasabing kontrobersiya, 

Aniya, di katanggap-tanggap ang ganitong uri ng gawain totoo man o hindi. 

Una nang inatasan ni Eleazar ang CIDG at Anti-Cybercrime Group na imbestigahan ang nasabing isyu matapos ang viral post sa social media ng transaksyon ng pagbebenta ng COVID-19 vaccines. 

Nakilala ng pulisya ang isang tao na nag-offer sa high school friend nito ng dalawang brands ng COVID-19 vaccines sa presyong P12,000 hanggang P15,500 depende sa brand.

Pero, nagtago umano ang indibidwal at nag-deactivate na ng lahat ng kanyang social media accounts. 

Hinimok ni Eleazar ang indibidwal na wag nang makipagtaguan at magpunta na sa PNP para bigyang linaw ang isyu. 

Samantala, suportado naman ni Eleazar ang panawagan ng Malacanang sa mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa na magpaparusa sa mga mahuhuling magbebenta ng COVID-19 vaccination slots.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *