IATF, inaprubahan na ang pagbabago sa quarantine protocols

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang dalawang pagbabago sa quarantine protocols para sa mga kaso ng COVID-19.

Sa kanilang latest Resolution No. 130-D, pinaiksian ng IATF ang detection sa isolation interval sa hindi bababa ng limang araw.

Una nang sinabi ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire na umaabot sa 6.3 araw para madetect at ma-isolate ang mga kaso ng COVID-19 sa national level at 7.11 na araw naman sa Metro Manila.

Ang procedures na saklaw sa naturang quarantine protocol amendment ay ang pagsasagawa ng active case finding sa lahat ng areas, tracing ng close contacts ng suspect, probable, at confirmed cases sa loob ng 24 hours sa detection ng kaso, agarang quarantine at testing ng mga kaso at close contacts, at RT-PCR testing sa mga nag-negatibo sa rapid antigen testing.

Kabilang rin dito ay ang identification sa mga lugar na may mataas na kaso o clustering ng local government units (LGU) at regional epidemiological surveillance units at ang kanilang agarang pagsusumite ng samples para sa sequencing, pagtitiyak na ang mga workplaces at establisyemento ay nagsasagawa ng daily health at exposure screening, reporting identified case at close contacts sa LGU at makipagcoordinate para sa investigation at response, at pagkokonsidera ng incentives sa workplaces para mahikayat na mairereport at maipapatupad ang isolation measures. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *