Ilang mambabatas, dudang posibleng peneke ang datos kaugnay sa suplay ng sibuyas

Duda sina House Majority Leader, Zambonga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe at Marikina City 2nd district Rep. Stella Quimbo na maaring peneke ang datos ng gobyerno kaugnay sa suplay ng sibuyas para lang maipaliwanag ang tumataas na presyo ng naturang commodity.

Ang dalawang mambabatas ay kabilang sa mga nakiisa sa initial hearing at inquiry ng House Committee on Agriculture and Food kaugnay sa umano’y hoarding ng sibuyas at iba pang agricultural products.

Ayon ay Dalipe, may mga ulat na sapat naman umano ang suplay ng sibuyas at bawang, pero pagdating ng ‘ber months’ ay biglang tumaas yung presyo ng mga ito.

Tanong tuloy ng kongresista, na kung totoo ang naturang ay, bakit tumaas ang presyo at anu ang ginagawa ng ahensya na nagmo-monitor?

Samantala, nagtataka rin si Dalipe kung bakit walang Will Builders Incorporated (WBI) ang Bureau of Plant and Industry sa kanilang records. Ang WBI ay inilalarawan bilang pinakamalaking cold storage firms sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *