Ilang mga pamilyang Mayon evacuees sa Camalig, hindi pa pauuwiin ng LGU sa kabila ng decampment advisory ng Albay PDRRMC

LEGAZPI CITY – Ilang mga pamilyang bakwit ng Bulkang Mayon sa Camalig, Albay ang hindi pa papayagan ng lokal na pamahalaan na bumalik sa kanilang mga orihinal na tahanan kahit pa nagbaba na ng decampment advisory ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ito ang nilinaw ni Camalig Municipal Mayor Caloy Baldo sa Brigada News FM Legazpi. Ayon sa alkalde, tanging ang mga bawkit mula sa Brgy. Anoling ang hindi pa ipapa-decamp at mananatili pa rin sa evacuation center, subalit sila ay ililipat sa Camalig Bungkaras Evacuation Center sa Brgy. Bongabong.

Aniya, ang nasabing barangay kasi ay sakop pa ng 5-6 kilometers permanent danger zone kaya’t para umano sakanya, delikado kung pababalikin na ang mga ito.

Subalit, ang mula naman sa mga barangay na nasa labas ng nasabing PDZ o ang Sua, Tumpa at Quirangay ay pahihintulutan pauwiin bukas, alas 8 ng umaga.

Dagdag pa ni Baldo, hangga’t hindi ibinababa ng PHIVOLS ang alert level ng bulkan ay hindi pa nila tuluyang pauuwiin ang natitirang mga bakwit.

Sa ngayon kasi, kasalukuyan pa rin itong nasa alert level 3 status at inaatasan pa rin ang lahat na magmonitor at maging alerto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *