Ilang residente sa Amerika, nag-protesta matapos ang pagpatay sa isang black man

Nag-protesta ang ilang mga residente sa Akron Ohio sa Amerika matapos ang pagpatay sa isang black man doon.

Nakita umano sa isang body camera footage ang pagpapaulan ng maraming bala ng mga pulis sa naturang biktima.

Sinasabing sinubukan ng mga pulis ng pahintuin ang sasakyan ni Jayland Walker dahil sa traffic violation pero tumakbo umano ito.

Samantala, umapela ang mga otoridad sa mga nagpo-protesta na maging mahinahon kung maiwasan ang anumang insidente. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *