Ilang residente sa Naga City at sa ibang bayan sa Camarines Sur, nakakaranas ng pagkalabo at maduming buhos ng tubig mula sa MNWD

NAGA CITY – Ilang residente sa Naga City, at sa ibang bayan sa Camarines Sur, partikular sa Barangay Concepcion Grande, at San Felipe, bayan ng Canaman at Gainza, kasalukuyang nakakaranas ng pagkalabo at maduming buhos ng tubig mula sa Metropolitan Naga Water District o MNWD.

Ito nga ay matapos ang ilang reklamong nakarating sa opisina na kasalukuyan na ring ginagawan ng solusyon, kasabay ang paghingi na rin ng pasensya at pag-unawa ngayon.

Sa panayam kay Florencio Jun Mongoso, General Manager ng opisina, maliban kasi sa may kalumaan na ang ibang pumping station lalo na ang nasa Canaman, binuksan na ang Carolina 4 pumping station at kasabay ang ginagawang maintenance, pagpalit ng mga tubo, na talagang inaasahan ang pagkalabo ng tubig na posibleng tatagal hanggang sa unang Linggo ng buwan ng Pebrero.

Dagdag pa ng opisyal kinakailangang ngayon pa lang ay inaayos na mga tubo bilang paghahanda sa El Niño, na mararanasan din ng iba pang residente o area na sakop ng MNWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *