Indian PM Modi binisita ang bayan kung saan bumagsak ang tulay na ikinasawi ng 135 katao

Binisita ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang bayan ng  Morbi sa Gujarat state upang personal na mabisita ang tulay na bumagsak  kung saan nasawi ang 135 na tao.

Ayon sa report, nagpapatuloy ang paghahanap ng mga rescuers sa mga biktima at posibleng  labi ng iba pang nasawi

Mahigpit na ipinagbilin ni Morbi ang malalimang imbestigasyon sa sinapit ng  tulay na inaasahan sanang  napatibay ng isinagawang  pagkukumpuni

Matatandaan na kakabukas pa lamang ng  140-year old na tulay sa Machchu river matapos ang  isinagawang repair.

Kaugnay nito, siyam (9) na tao kabilang  ang  mga empleyado ng contractor na kinuha para sa maintenance ng  tulay ang inaresto.

Napag-alaman na kasabay ng reopening, daan-daang mga tao ang nasa tulay para saksihan ito pero bumigay ito na naging dahilan para mahulog ang mga ito sa ilog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *