Intensive street-by-street leak detection activity isinagawa ng PrimeWater sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng intensive street-by-street leak detection activity ang PrimeWater sa lalawigan ng Camarines Norte na nagsimua noong Martes ng gabi November 23 hanggang ala una ng madaling araw ng Miyerkules, November 24.

Ang aktibidad ay tinawag na Grand Walk the Line na ginawa ng mga empleado ng PrimeWater katuwang ang mga contractor at kinatawan ng kumpanya mula sa Daraga, Iriga at Sorsogon.

Layon nito na matugunan ang problema sa mahinang pressure at kawalan ng tubig sa ilang bahagi ng kanilang service areas dahil sa mga nag leak na tubo.

Nakatuon ang Grand Walk the Line ngayong taon sa Daet at Mercedes.

Ang mga lugar kasing ito ang napaulat na mayroong mataas na Non-Revenue Water (NRW) noon pang mga nagdaang taon.

Ang Non- Revenue Water ay dapat napupunta o nagagamit ng mga konsumidores pero nasasayang dahil sa pipeline leakages at illegal connection na nakakaapekto sa water supply at pressure sa mga service area.

Sa pamamagitan ng aktibidad ay na- locate ang 77 leakages sa pipe network.

Agad  naman umanong nagsimula ng repair activities ang response team ng PrimeWater matapos ma- detect ang leakages at inaasahang matatapos ang trabaho hanggang ngayong araw, November 26.

Ang Grand Walk the Line ay isang enhanced operating program para mapabuti ang  water distribution and utilization.

Sa pamamagitan din umano ng aktibidad ay napalawak ang pakikipag-ugnayan hindi lang ng mga empleadong involve sa technical activities kundi ng iba pang empleado kabilang ang mga office workers para sa kapakanan ng mga kunsomidores.

Photos: PrimeWater

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *