Isang magnanakaw, nagkunwaring trashbag para makuha ang parcel

Bilang nauuso na doorbell cameras at home security systems, hindi na madaling magnakaw ng mga parcel at packages sa mga iba’t ibang kabahayan.

Dahil bukod sa mahuhuli ka sa pamamagitan ng CCTV footage, baka mag-alarm pa ito at agad kang mahuli.

Ngunit pinatunayan ng isang magnanakaw na ito sa Amerika na “nothing is impossible.”

Nagmistulang cartoon character kasi ang isang ito dahil sa halip na maglakad, nagkunwaring garbage bag ang isang lalaki na unti-unting lumalapit sa package upang nakawin ito.

Naglalaman ng  dalawang phone chargers ang nasabing package, na nagkakahalaga ng US$10 o PHP570.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *