Kasal ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ngayong taon, hindi muna itutuloy

Nagpasya ang aktres na si Andi Eigenmann at ng kanyang non-showbiz partner na si Philmar Alipayo na ipagpaliban muna ang kanilang kasal ngayong taon dahil sa pagkamatay kamakailan ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.

Ayon kay Andi, iaalay sana nilang dalawa ang kasal para kay Jaclyn, kaya’t mahirap para sa kanila na ituloy ngayong taon ang kanilang pag-iisang dibdib.

Present si Andi sa Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines upang tanggapin ang Honorary Distinction sa ngalan ng kanyang ina.

Sa kanyang acceptance speech, naging emosyonal ang aktres habang nagpasalamat sa mga nagpakita ng pagmamahal kay Jaclyn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *