‘Isang pagsalubong’, isinagawa ng Bicol University kahapon upang salubungin ang bagong uupong presidente ng pamantasan

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon, Marso 8, 2023, ang isang gawain sa Bicol University bilang pagsalubong sa bagong uupong presidente ng nasabing pamantasan na si Dr. Baby Boy Benjamin Nebres III, at tinatawag na “Isang Pagsalubong”.

Sinimulan ang Pagsalubong kahapon bandang alas tres trenta ng hapon sa BU Commencement Grounds, Main Campus, kung saan excused ang lahat ng mga mag-aaral upang makiisa sa gawain.

Hindi lamang pagsalubong sa bagong president ang isinagawa kahapon, kundi maging ang pagpapasalamat kay dating BU President Arnulfo Mascarinas sa walong taon niyang pamumuno.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay BU-USC Junior Councilor, Jeffrey Latigay, inihayag niyang isinasagawa ang naturang gawain tuwing ang pamantasan ay nagkakaroon ng bagong president upang magkaroon ng avenue sa pagtatag ng nagkakaisang pamilya katulad ng nakaraang administrasyon.

Ayon pa sa kanya, ang bagong presidente ay may mga developmental goals na nais niyang matupad sa kanyang pamumuno, kung kaya’t bilang mag-aaral, labis din ang kanilang pagkasabik sa mga iba pang layunin nito sa pamantasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *