Isang parking boy, pinaniniwalaang ‘high’ sa illegal substance patay matapos malunod sa Cagayan de Oro River

Patay ang isang parking boy matapos malunod sa Cagayan de Oro River.

Kinilala ang biktima na si Ariel Natcher, tatlong po’t isang taong gulang, residente ng Landfill Zayas Purok 4, Barangay Carmen dito sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Ayon kay Adelfa Kipkipan, ina ng biktima, paminsan-minsan lamang umu-uwi ang kanyang anak sa kanilang bahay.

Inihayag pa nito na labas pasok ang kanyang anak sa bilanggoan dahil sa paulit-ulit nitong paggamit ng illegal substance o rugby.

Naniniwala rin ang ina na walang foul play ang nangyari sa kanyang anak, at posibli pa anyang ‘high’ ang kanyang anak.

Walang plano ang pamilya na isa-ilalim pa sa otopsiya ang labi ng biktima lalo na’t mahirap ang kanilang pamumuhay.

Patuloy na ini-imbestigahan ng pulisya ang insidente at umapela sa mga taong patuloy na gumagamit ng ilegal na droga o substance na tumigil na at magbagong buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *