Ivana, nakikipagpalitan ng DMs kay Joshua Garcia

Inamin ng content creator na si Ivana Alawi na nakikipagpalitan ito ng mensahe kay Joshua Garcia.

Sa interview ni Ogie Diaz ay sinabi ni Ivana na cute at mabait si Joshua.

Tinukoy niya rin ang aktor bilang “family-oriented”.

Gayunman, sinabi ng 24-anyos na vlogger na hindi niya pa ito matiyak dahil hindi pa niya nakikilala sa personal ang aktor.

Sinabi ni Ivana na sa ngayon ay nagpapalitan lamang sila ng mensahe sa pamamagitan ng DMs o direct messages online.

Nilinaw naman ni Ivana na wala pa sa kanila ang phone numbers ng isa’t-isa dahil wala pa sila sa ganitong lebel.

Tiniyak naman ni Ivana na kapag dumating na ang tamang tao para sa kaniya, ay agad niya itong ipakikilala sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *