Jane Onieza, tinawag si RK Bagatsing bilang kanyang ‘source of happiness’

Tinawag ng aktres na si Jane Onieza bilang kanyang “source of happiness” ang rumored boyfriend nito na si RK Bagatsing na nagdiwang ng kaarawan noong May 9.

Sa post ng 24-anyos na aktres para kay RK sa IG ay makikita ang larawan ng dalawa na magkaharap at tila nagde-date.

Mababasa sa caption ng post: “To this amazing person, my source of happiness…Happy Birthday (kiss emoji)”

Umani naman ng maraming komento mula sa iba’t-ibang showbiz personalities ang nasabing post ngunit ang pinaka-angat sa likes ay ang mismong reply ng 33-anyos na aktor.

Sinabi kasi ng RK na kinilig siya dahil sa nasabing post ni Onieza.

Hindi pa kinukumpirma ng dalawa kung may matamis silang pagtitinginan, pero para sa kanilang fans, ay swerte sila sa pag-ibig at sa sari-sarili nilang career.

Patuloy kasi ang buhos ng blessings sa dalawang celebrities, dahil sa kabila ng pagkawala sa ere ng kanilang mother station, ay meron pa rin silang kanya-kanyang proyekto na pwedeng mapanuod sa TV 5.

Sa kasalukuyan ay may sariling weekend show si Jane, habang si RK naman ay mapapanuod sa teleserye ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba” na pinapalabas mula Lunes hanggang Biyernes sa TV5.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para masagap ang channel at makapanood ng ABS-CBN primetime shows.

Bukod sa TV5, mapapanood din ng mga taga-Visayas at Mindanao sa cable ang apat na primetime shows na ito sa A2Z Channel at Kapamilya Channel.

Available naman ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba,” at “Init sa Magdamag” sa Jeepney TV, at ang “FPJ’s Probinsyano” sa CineMo.

Kung gustong manood online, pwedeng tutukan ang mga palabas ng ABS-CBN sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Para makapanood naman ng advanced episodes, pwedeng gamitin ang iWantTFC app at website, pati na ang WeTV at iflix.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *