Japeth Aguilar, malabong makapaglaro sa national team para sa FIBA

Malabong makapaglaro sa Philippine National Team si Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar sa darating na FIBA ​​World Cup Asian qualifying window.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, kinakailangan pang magpagaling ni Aguilar sa natamong knee sprain.

Hindi nakitang naglaro si Aguilar sa laban ng Gin Kings kontra Magnolia Hotshots matapos magtamo ng injury laban sa NLEX Road Warriors noong February 8.

Si Aguilar ay bahagi ng 24-man pool ng Gilas Pilipinas para sa ikaanim at huling window ng FIBA ​​World Cup Asian qualifiers sa Februray 24 at 27, ngunit hindi naniniwala si Cone na handa na siyang maglaro dahil sa kanyang injury. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *