Johnny Depp, mainit na tinanggap sa kanyang comeback movie sa Cannes

Mainit na tinanggap ng kanyang mga fans ang aktor na si Johnny Depp sa kanyang comeback movie sa Cannes Film Festival.

Ginugol ni Depp ang ilan sa kanyang oras upang makipag selfie at pumirama ng autograph bago ang screening ng kanyang French period drama na “Jeanne du Barry,” kung saan gumanap siya bilang si King Louis XV.

Naging kontrobersyal si Depp sa kanyang toxic court battles sa dating asawang si Amber Heard na nagsiwalat ng magulong pribadong buhay niya na kinasasangkutan ng alak, droga at mga paratang ng pang-aabuso.

Matatandaang kamakailan ay napaulat ang pag-alis sa Hollywood ni Amber at paglipat niya sa Spain kasama ang anak nila ni Depp upang doon mamuhay ng tahimik.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *