Kahilingan na drop off point sa banga area, ‘disapprove’ kay  PPC Mayor Bayron

Disapprove umano kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang resolusyon na humihiling na gawing drop off point o maging babaan ng pasahero mula sa norte ng lalawigan ang “banga area” sa Barangay Sta Lourdes.

Ayon kay konsehal Nesario Awat, nakakalungkot ang hindi pag payag dito ng ama ng lungsod subalit kailangan itong tanggapin.

Kung matatandaan maging ang Sangguniang Panlalawigan ay isa rin ito sa hinihiling para maibsan ang layo ng terminal para sa mga pasahero.

Dagdag pa ni Awat, ang kahilingan naman na pagkakaroon ng bukod na terminal na papuntang norte at sur ay “naka-lay on the table” dahil ang tugon dito ng City Council ay hilingin lamang na pag-aralan ang pagkakaroon ng dalawang terminal.

Kaugnay nito ay isusulong umano sa Sangguniang Panlungsod na amyendahan muli ang ordinansa na kung saan hihilingin na payagang mag-pick up o ang pagsundo ng mga contacts na pasahero ang mga shuttle van mula alas 3:00 ng madaling araw hanggang alas 5:30 ng umaga sa mga papuntang norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *