Kakulangan ng classroom para sa High School, hinaing pa rin ng mga estudyante at guro sa Camarines Sur   

NAGA CITY – Dumami ngayon ang nasa secondary schools kaya nag resulta ito sa kaulangan ng mga silid-aralan lalo na sa mga lugar na malaki ang populasyon ng mga estusyanteng ito sa Camarines Sur, na mas naramdaman ang init sa loob dahil sa siksikan na ang mga ito.

Ang mga school head  ay hindi naman tumitigil na masolusyonan ang matagal na nilang problermang ito, na kulang sa classroom kaya sila ay lumalapit sa kanilang mga opisyal, sa gobernador, sa kongresista at sa alkalde na naibibigay naman, bamagat limitahdo lamang ang pondo.

Nakapanayam naman ng Brigada News Fm Naga si Glenda Dasco,mula sa 3rd District Congressional Office na ayon sa kanya ang palaging request ng mga guro at principal ay classroom, ngunit dahil sa limitado ang pondo, covered court ang naibibigay nila.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *