Mga street vendor na naka-pwesto sa may Ninoy and Cory Aquino Avenue, Naga City, inireklamo

NAGA CITY – Inilapit at inireklamo ng ilang karenderya owner sa Lokal na Pamahalaan ng Naga, ang iligal na pagpwesto ng ilang street vendor sa Ninoy and Cory Aquino, Avenue sa harap ng isang mall sa lungsod.

Ayon sa ilang karenderyang nakapwesto sa lugar, apektado na ang kanilang kita lalo na’t pagdating ng gabi,/ halos kasi ang ilang kumakain sa kanila lumilipat na sa kabila, pangawala, nag-adjust na rin sila ng oras na hanggang alas otcho na lang ng gabi, ang iba hanggang alas 11 pa.

Sa panayam kay Renne Gumba, Executive Director ng Public Safety Office, totoong buhay na buhay ang gabi sa naturang area, kaya lamang kailangan ng patas na pagnenegosyo, may ilang una na ring suhesyon na kailangan paalisin lalo na’t kalsada, bawal.

Kaya lamang magdedepende pa rin sa magiging pag-uusap ng Market Enterprise and Promotion Office, PSO, kasama ang ilang representante ng magkabilang panig ngayon, kung papayagan o gagawa ng ipapasunod, bilang pantay na interbensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *