Kalapati sa Belgium, naibenta sa halagang $1.9-Million

Belgium— Ang mga kalapati o pigeons dito sa Pilipinas ay tila pangkaraniwan lamang na uri ng ibon. Madalas kasi itong makita sa mga lansangan at madalas pang alagaan sa mga bahay para ibenta o kaya naman ay pa-rentahan sa mga espesyal na okasyon gaya ng kasal, binyag at iba pa.

Mayroon ding paniniwala na ang mga kalapati ay may kakaibang memorya at talino sapagkat kaya ng mga itong bumalik sakanilang pinanggalingan o tirahan kahit  ilang beses pa ang mga itong iligaw.

Ang dalawang taong gulang na kalapating si “New Kim” na ata mula sa bansang Belgium ang pinakamahal na kalapati sa buong mundo. Ito ay matapos siyang matagumpay na maibenta sa halagang $1.9-Million sa isang online auction.

Ayon sa ulat, naisipang isubasta ni Hok Van De Wouwer na isang tanyag na breeder ng mga kalapating kampeon sa national race pigeon competition,   ang kanyang alagang si “New Kim”.

Dahil sa magandang reputasyon ni Wouwer, nakatanggap ng 226 bids ang naturang kalapati at isang collector mula sa bansang China ang nanalo sa nasabing online auction matapos itong mag bid ng $1.9-Million para makuha si New Kim.

Habang hinihintay na makuha ng collector ang napakamahal na si New Kim, isang security company ang nagbabantay sakanya.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *