Kalusugan ng mga bata naisasakripisyo sa saradong kaisipan ng magulang- MHO Camaligan

NAGA CITY –Nai-sasakripisyo ang kalusugan at karapatan ng bata kung sarado ang isip ng magulang.

Ito ang binigyan diin ni Dr. Nonoy Severo, Municipal Health Officer ng LGU Camaligan, Camarines Sur nang makapanayam ng Brigada News FM Naga.

Aniya, may ilang mga magulang kasi sa bayan ang talagang kahit anong pagpapaliwanag at pagbibigay impormasyon lalo na ang pagbabakuna at pagpapa-inom para sa bulate ay talagang sarado ang kaisipan. Kung kaya’t minsan kinukulit na nila.

May mga hindi rin napapanatili ang kalinisan sa tahanan na isa sa mga dahilan sa pagiging sakitin at malnourish ng isang bata.

Bagamat may mga interbensyon at programa silang ginagawa at kompleto ang pangangailan na naibibigay na tulong ng Lokal na Pamahalaan nakasalalay malaki parin ang gampanin ng magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *