Kanye West, nasuspende sa IG re: Policy violation

Nasuspende mula sa social media netowrk na Instagram si Kanye West sa loob ng 24 na oras, matapos itong lumabag sa polisiya ng platform hinggil sa harassment.

Ayon sa tagapagsalita ng kanilang parent firm na Meta Platforms, binura nila ang content na ipinadala mula sa account ng 44-anyos na rapper, na labag sa hate speech at bullying at harassment

Dagdag ni spokesperson Joe Osborne, gagawa sila ng karagdagang aksyon sakaling patuloy na lalabag si West sa mga polisiya, para makuha ang control ng account.

Batay sa report ng entertainment industry publication Variety, nagbato ng racial slurs si West kay Trevor Noah, host ng “The Daily Show” sa isang Instagram post, matapos talakayin ni Noah ang sigalot sa pagitan ni West, dating asawa nitong si Kim Kardashian at kasintahan ni Kardashian.

Samantala, hindi na nagbigay ng ibang detalye ang Meta hinggil sa posts na lumabag sa kanilang polisiya. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *