Karagatan na sakop ng Milagros, Masbate positibo pa rin sa toxic red tide

Nagbabala sa publiko ang BFAR na iwasan ang pagkain ng shellfish pansamantala.

Sa inilabas kasi ng BFAR na bagong Bulletin No. 5 nitong Pebrero 21 ng kasalukuyang taon, lumalabas na positibo pa rin ang karagatang sakop ng Milagros, Masbate sa toxic red tide o Paralytic Shellfish Poisoning (PSP).

Ito ay matapos ang isinagawang eksaminasyon ng BFAR base sa nakolektang shellfish sa ibat-ibang lugar.

Samantala, ligtas naman sa toxic red tide ang mga baybayin ng Sorsogon Bay, Juag Lagoon ng Matnog, Sorsogon at coastal waters ng Mandaon, Masbate.

Paalala pa rin ng BFAR na hindi ligtas kainin ang anumang shellfish o alamang na makukuha sa dagat ng nasabing lugar na positibo sa toxic red tide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *