Kaso laban kay Senador Gordon inihahanda na ayon kay Pangulong Duterte

Inilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte na inihahanda nila ang isasampang kaso laban kay Sen. Richard Gordon.

Sa kanyang ‘talk to the nation’ address, sinabi ni Pangulong Duterte na pinipilit umano ni Gordon na i-ugnay siya at palabasin nakinabang sila sa transaksiyon ng Pharmally.

Iginiit ng Pangulo na hindi niya dinidepensahan ang Pharmally at wala umano siyang paki-alam kahit anong gawin dito ng mga senador.

Kasabay nito pinagpapaliwanag naman ng Punong ehekutibo si Gordon sa umano’y PDAF nito na ipinasok sa pondo ng Philippine Red Cross.

Dahil dito inihahanda na umano ang kasong malversation of public funds laban kay Gordon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *