National Tourism Week at Charter Anniversary ng Koronadal, pinaghahandaan na

KORONADAL CITY – SERYE ng mga aktibidad ang pinaghahandaan sa ngayon ng city government ng Koronadal sa selebrasyon ng National Tourism Week na kasabay din ng paghahanda sa ika-21 Charter Anniversary ng lungsod.

Ito ay nagsimula noong Setyembre 30 at magtatapos sa Oktubre 29 kung saan ang tema ng selebrasyon ay ini-ayon sa kasalukuyang sitwasyon.

Sa pagbukas ng selebrasyon, matutunghayan ang unang episode ng talkshow sa City Government of Koronadal facebook page na pinamagatang “Together Great Things Happen!” kung saan tatalakayan ang paksa may kinalaman sa turismo ng lungsod.

Sa araw naman ng kapiyestahan sa Oktubre 8 ay masasaksihan ang ikalawang episode na pinamagatang “Together We Achieve More!”, kung saan highlight ang mga panauhing pandangal mula sa Chamber of Commerce and Industry.

Ang mga susunod namang episodes ang maaring tunghayan sa Oktubre 15, 22 at 29 kung saan magtatapos ang selebrasyon sa talkshow na may pamagat na “Together We are Stronger!” kung saan highlight dito ang isang online fashion show.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *