Kaso ng COVID-19 sa Catanduanes, sumampa na sa mahigit 3,000

BNFM BICOL—Umabot na sa 3,096 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office.

Sa naturang bilang, 176 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso matapos na madagdagan ng 15 mga bagong kaso ng sakit nitong nakaraang araw ng Sabado.

Sa 11 bayan ng probinsya, ang bayan ng Virac ang may pinakaraming active cases na mayroong 53; pumapangalawa ang bayan ng San Andres na may 28; 20 sa Bato; 16 sa Pandan; 15 sa Caramoran; 13 sa San Miguel; 11 sa Panganiban habang nasa pito naman pababa ang mga aktibog kaso ng sakit sa natitirang bayan.

Samatala, sumampa na rin sa 2,793 ang recoveries sa probinsya habang nasa 128 naman ang bilang ng mga nasawi.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *