Kauna-unahang Banchetto sa SBFZ gaganapin

Magkakaroon ng kauna-unahang Banchetto sa Subic Bay Freeport Zone sa pamamagitan ng Subic Chamber of Commerce, Metro Olongapo Chamber of Commerce Inc katuwang Lokal na Pamahalaan ng Olongapo at SBMA.

Ayon kay City Tourism Officer Fifi Legaspi, ang Banchetto ay isang tila night market na magsisimula ng alas singko ng hapon hanggang ala una ng madaling araw.

Magsisimula ito sa April 10 hanggang 17 na ilalagay sa SBMA Mini Golf Course kung saan makikita dito ang mga lokal na produkto, local services at iba pang performances.

Layon nitong matulungang makabangon pa ng husto ang mga negosyo at mabuhay muli ang turismo ng lungsod at Freeport.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *