Kilalang hairstylist sa Dubai, nakagawa ng mala higanteng buhok na Christmas Tree

ISANG kilalang syrian hairsty­list sa Dubai, United Arab Emirates, na si Dani Hiswani ang nakagawa ng isang higanteng christmas tree sa buhok ng kanyang modelo, at tumanggap ng pagkilala sa Guinness World of Record bilang“Highest Hairstyle”.

Ayon kay Hiswani gumamit siya nang patong patong na wig at hair extension para mapataas ang nasabing buhok na may taas na 2.90 meters o 9 feet and 6.5 inches .

Dinagdagan din ni Hiswani ng mga palamuti ang buhok katulad na lamang ng mga christmas balls upang mas magmukha itong isang christmas tree.

Makikita sa inilabas na pahayag ng Guinness, na ang nabanggit na modelo ay pinasuot ng helmet na may tatlong bakal na tubo upang magsilbing suporta sa mataas na buhok.### CZARINA DORONELA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *