Kinatatakutan na vampire fish sa Amazon River, paboritong snack lang ang piranha 

KATAKOT-TAKOT ang isdang payara o mas kilala bilang vampire fish na karaniwang matatagpuan sa Amazon River, dahil ang paborito lang namang pagkain nito, ay ang piranha na kabilang rin sa mga most deadliest fish.

Samantala tinawag na vampire fish ang payara dahil sa taglay nitong dalawang matatalas at mahahabang ngipin na kayang humaba ng hanggang six inches, habang lumalaki o humahaba naman sila ng hanggang 1.2 meters o 4 feet.

Mas mabilis rin itong umatake kumpara sa piranha, dahil kaya nitong sunggabin ang biktima malaki man o hindi at mahati ang katawan nito sa isang kisap mata lang.

Ayon pa sa pag-aaral malaki ang kontribusyon ng mga piranha sa diet ng isang payara dahil hindi nila kayang mabuhay ng walang pagkaing piranha.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *