LGU Camalig, nakiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month

LEGAZPI CITY – Kinikilala ng lokal na pamahalaan ng bayan Camalig, Albay ang mga kontribusyon ng kababaihan sa lipunan sa pamamagitan ng pagsusuot ng kulay lila o “purple” na damit alinsunod sa pagdiriwang ng National Women’s Month.

Hinikayat ang mga empleyado na magsuot ng nasabing kulay ng damit tuwing Miyerkules ngayong buwan ng Marso upang ipahiwatig ang suporta para sa pagbibigay ng kapangyarihan sa mga kababaihan lalo na sa mga nasa gobyerno at serbisyo publiko.

Ang pagdiriwang ay nagsisilbi rin bilang kick-off ceremony sa isang buwang pagpapatupad ng mga aktibidad na gender-sensitive kabilang ang Women’s Summit, tree-planting, at iba pang mga programa na nakatuon sa pagtataguyod ng mahalagang pakikilahok ng kababaihan sa sosyo-ekonomikong pag-unlad ng komunidad.

Taglay ang temang, “WE for Gender Equality and Inclusive Society”, ang pagdiriwang ngayong taon na nagbibigay-diin sa mga mahahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan sa pagsulong ng pag-unlad ng bayan at sa pagtataguyod ng mga inclusive approach para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *