King Caralipio ng Letran, hinirang na NCAA Season 98 Finals MVP

Hinirang bilang Finals MVP ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament si King Caralipio matapos masungkit ng kanyang Colegio de San Juan de Letran Knights ang kanilang ikatlong sunod na kampeonato kahapon sa Ynares Sports Arena.

Nagposte si Caralipio ng 20 points, 10 rebounds, at dalawang assist sa do-or-die Game three na pinamunuan ng Knights sa 81-67 panalo laban sa De La Salle-College of Saint Benilde.

Ang Letran forward ay nag-average ng 15 points, walong rebounds, at dalawang assist sa finals series, kabilang ang 16-point performance sa Game 1.

Ang panalo ay nagbigay-daan sa Knights na makakuha ng pangalawang three-peat para sa paaralan kasunod ng tatlong magkakasunod na championship na pinamunuan ni Samboy Lim mula 1982 hanggang 1984.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *