Kit Thompson, nagpiyansa na

Pinalaya ng Tanza police kahapon ang aktor na si Kit Thompson, matapos itong magpiyansa kaugnay sa kaso ng pambubugbog sa kanyang kasintahan, at umano’y detention.

Ayon kay Tanza chief of police Police Lt. Col. Rolando Baula, pinakawalan si Thompson na nasa mabuting kalusugan.

Dagdag ni Baula, P72,000 ang binayad ng aktor para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Matatandaan na noong March 18 nang arestuhin ng mga pulis si Thompson, matapos makatanggap ng report hinggil sa away ng dalawa sa loob ng isang hotel room sa Tagaytay City.

Noong March 19 naman nang sampahan ng kaso ang aktor dahil sa paglabag sa Section 5 (a) ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence against Women and Children Act. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *