Kolektor ng utang, sugatan sa pamamaril sa Batangas

PADRE GARCIASugatan ang isang kolektor ng lending company matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang sakay sa motorsiklo sa Brgy. Bawi, Padre Garcia, Batangas 12:05 kahapon ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Jeffrie Teologo y Magpantay, 29-anyos, binata at residente ng Sitio Kanluran 1, Sariaya, Quezon.

Ayon sa imbestigasyon, sakay sa motorsiklo ang biktima ng pagbabarilin ng suspek na nakasuot ng dilaw na bonet, dilaw na T-shirt, black jacket at maong na pantalon.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay PCpt. Eduardo Timbol II, hepe ng Padre Garcia MPS, sinabi nitong inaalam pa nila ang motibo ng hindi pa nakikilalang suspek sa naturang pamamaril.

Dagdag pa ni Timbol na base umano sa pahayag ng biktima, wala siyang nakaaway o nakaalitan na posibleng magbanta ng kanyang buhay.

Nagtamo ng tama sa baga ang biktima at ibang bahagi ng katawan at patuloy na nagpapagaling sa ngayon sa ospital.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng kalibre 45 na armas at isang fired slug.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa pagkakakilanlan ng nakatakas na suspek. | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *