Konstruksyon ng North-South Commuter Railway Project, sisimulan na sa January 2023

Target na simulan sa unang buwan ng susunod na taon ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway Project.

Sa isinagawang contract signing kaninang umaga para sa nasabing proyekto, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang 54.6 km na haba ng riles ng South Commuter Railway Project mula sa Blumentritt sa Maynila hanggang sa Calamba City sa Laguna ay isang magandang development para sa mas mabilis na pagbyahe ng mga Pilipino.

Mula aniya sa dating tatlong oras na byahe ay magiging isang oras na lamang na kayang magsakay ng hanggang 340,000 na mga pasahero kada araw.

Samantala sa panig naman ni Departmemt of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na sa kabuuan ng proyekto, tatakbo ang tren mula sa Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna sa tatlumpo’t limang stations at kayang makapagsakay ng hanggang sa 800,000 na pasahero kada araw.

Inaasahan ding makakalikha ang proyektong ito ng tinatayang 110,000 na direct at indirect jobs o trabaho habang ginagawa ang tren.

Ang North-South Commuter Railway Project ang pinakalamalaking infrastructure project na pinondohan ng Asian Development Bank sa buong Asya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *