PCG: Pinoy fishermen, tuloy sa Bajo de Masinloc sa kabila ng presensya ng Chinese maritime

Tuloy ang pangingisda ng mas marami pang mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc sa kabila ng presensya ng Chinese maritime forces.

Sa isinagawang aerial surveillance ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 6, ay namataan ang nasa 30 hanggang 40 bangka ng mga mangingisdang Pinoy.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Coast Guard spokesman Commodore Armand Balilo na patuloy ang padeploy ng kanilang mga assets at personnel sa Bajo de Masinloc para matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisda.


Nakaantabay rin ang PCG medical team na handang umalalay sa mga mangingisdang mangangailangan ng serbisyong medikal.

Nabatid na nakabantay sa area ang BRP Gabriela Silang at BRP Suluan para sa kaligtasan ng mga Filipino fishermen laban sa posibleng panghaharass ng Chinese vessels.

Namataan din ng PCG ang nasa 4 Chinese Coast Guard (CCG) vessels sa area kasabay sa kanilang pagpapatrolya.

Wala namang namagitang tensyon sa pagitan ng PCG at CCG sa naturang aerial surveillance.//MIKE SALGADO
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *