Korean Basketball League, nakatakdang i-welcome ang mga Pinoy players

Masisimulan na ng mga Filipino basketball players ang paglalaro bilang mga imports sa Korean Basketball League (KBL), simula sa 2022-23 season.

Batay kasi sa Korean sports website Jumpball, na ayon sa press release mula sa liga, pinalawak pa ng KBL ang kanilang Asian player quota program.

Una nito, pinapayagan lang ang KBL teams na kumuha ng Japanese players, pero ngayon ay kasama na ang mga Filipino players, pero ang mga neaturalized Filipino players ay hindi umano maaring lumagda.

Para maging kwalipikado, ang mga Filipino player ay kailangang naglaro sa PBA o sa local league, at isa sa mga magulang ng Filipino player ay kailangang Philippine citizen o passport holder. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *