Lacson, hinimok ang PNP na mag-implementa ng mas mahigpit na gun control measures

Nanawagan si Senator Panfilo Lacson sa Philippine National Police na magpatupad ng mas mahigpit na gun control measures para malabanan ang kriminalidad.

Ito ay gitna ng mga ulat na meron mga off-duty na pulis ang nakakapatay sa mga sibilyan, na kinokonsidera ng PNP bilang isolated cases.

Sinabi ni Lacson na dapat ay tinu-turn in ng mga pulis ang kanilang issued firearms sa armorer ng kanilang units o supply office kapag sila ay off-duty, at hindi sila dapat maisyuhan ng permit to carry firarms outside residences (PTCORs) habang sila ay aktibo na nasa serbisyo.

Ipinunto ni Lacson na dapat ay magsilbing leksyon na sa atin ang mga insidente ng pamamaril na kinasasangkutan ng mga off-duty na pulis kabilang na si Jonel Nuezca noong December 2020 at Hensie Zinampan ngayong taon.

Matatandaan na nakuhanan ng video si Nuezca na binabaril ang kaniyang mga kapit-bahay na sina Sonya Gregorio at ang anak nito na si Frank Anthony matapos nilang magkasagutan sa Paniquir Tarlac.

Si Zinampan naman ay nahuli rin sa video na pinaslang si Lilibeth Valez sa Barangay Greater Fairview sa Quezon City noong nakaraang buwan.

Pareho nang nahaharap sa murder ang dalawang pulis, at natanggal na rin sila mula sa tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *