Lacson, pinuri ang pagpapaigting sa ‘rule of law’, matapos ang Army chief appointment

Pinuri ni Senator Panfilo Lacson ang Malacañang at ang “defense establishment” dahil sa pagpapaigting sa rule of law, kasunod ng pagkakatalaga ng bagong Philippine Army Commanding General.

Ayon sa chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, at Vice Chairman rin ng Committee on National Defense ng Commission on Appointments, na ang pagkakatalaga kay Major General. Andres Centino para pumalit kay Major General Jose Faustino Jr. ay sumunod sa Section 4 ng Republic Act 8186.

Giit kasi ng senador, sa ilalim ng batas, si Lt. Gen. Faustino ay hindi eligible na manguna sa major service command ng AFP, dahil ito ay hindi na aabot sa isang taon sa active service, bago ang mandatory age ng compulsory retirement.

Dagdag ni Lacson, si Faustino ay naitalaga bilang Army chief noong Pebrero sa kabila na nakatakda itong magretiro sa loob ng hindi pa aabot sa isang taon sa harap ng kanyang retirement age na 56 sa November.

Sa ilalim kasi ng Sec. 4 ng RA 8186, nakasaad na maliban sa Chief of Staff ng AFP, walang opisyal na maitatalaga sa naturang key positions kabilang na ang major service commanders o ma-promote sa ranggo na Brigadier General/Commodore o mas mataas pa, kung ito ay may natitirang hindi na aabot na isang taon sa active service, bago ang compulsory retirement. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *