BIFF, ASG members patay, sa magkakahiwalay na engkwentro sa Mindanao

Patay ang ilang mga rebelde mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at sa Abu Sayyaf sa hiwalay na engkwentro sa pagitan ng militar sa Mindanao, kahapon.

Ayon kay Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. dalawang BIFF members, na pinaniniwalaang bahagi ng Karialan faction na pinangungunahan ni Mohiden Animbang, ang nasawi sa 10-minutong palitan ng putok sa pagitan ng government forces.

Dagdag ni Joint Task Force Central commander Maj. Gen. Juvymax Uy, wala namang casualties sa panig ng mga sundalo, sa operasyong ginawa sa Barangay Mao, Datu Paglas, Maguindanao.

Maliban dito, narekober rin ng tropa ang isang bandolier na may lamang dalawang mahabang magazines para sa M16 rifle, 50 rounds ng 5.56mm ammunition, dalawang civilian backpacks na may lamang personal belongings, isang sirang hand guard ng M16 rifle, at iba’t-ibang pagkain.

Samantala, tatlong miyembro naman ng Abu Sayyaf ang napatay sa military encounter sa Sitio Kura-Kura, Barangay Baiwas sa Sumisip, Basilan. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *