Lahat ng mga pasahero na galing Hong Kong, sasailalim sa testing at quarantine

Inihayag ni Cabinet Secretary at acting Palace spokesman Karlo Nograles na magiging subject sa testing at quarantine protocols ang lahat ng mga pasahero na manggagaling sa “Yellow List” countries.

Ayon kay Nograles, kasama na rito ang lahat ng arrivals na magmumula sa Hong Kong, kung saan ay nagtatrabaho ang maraming Overseas Filipino Workers.

Kamakailan lang ay may nakumpirma nang kaso ng mas nakahahawang Omicron COVID-19 variant sa Hong Kong.

Una nang isinailalim ng Pilipinas sa Red List ang lahat ng inbound flights mula South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique.. Nitong Linggo ay idinagdag ng gobyerno ang Austria, Czech Republic, at iba pang European countries sa listahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.