Lalaki na nanutok ng baril sa kanyang mga kainuman huli ng PNP sa El Nido

Huli ng Elnido Municipal Police Station, 4th Platoon 2nd Provincial Mobile Force Company ang isang lalaki na nanutok ng baril sa mga kainuman nito sa Brgy. Villa Libertad, El Nido, Palawan.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP ganap na 10:30 kagabi, June 16, 2021 magkasamang nag-iinuman sa knilang boarding house ang suspek at dalawang biktima ng magkaroon ng pagtatalo at dito naganap ang pananakot sabay tinutokan ng baril ang mga biktima.

Humingi ng tulong ang mga biktima sa barangay at PNP at nakitang naglalakad ang suspek sa kahabaan ng Bgy. Villa Lebertad na bitbit ang baril. Inaresto ito at nakuha sa kanya ang (1) unit Rock Island Armory cal. 45, (1) piece magazine marked, (10) pieces unfired ammunitions for cal. 45, (3) pieces unfired ammunitions ng cal. 45 na nakalagay sa sling bag.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Adrian Daganta Magtanong, 31 anyos binata, sales agent, residente sa Barangay Apo-Aporawan, Aborlan Palawan, Louie Arcenal Gangoso, 46 anyos may asawa sales agent, residente sa Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City.

Habang ang suspek ay kinilala na si Geronimo Delos Reyes Cueto, 42 anyos driver, at residente sa Barangay Inagawan Puerto Princesa, City. Kasong Grave Threats and Violation of RA 10591 ang kasong kinakaharap ngayon ni Geronimo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *